Текст песни Freddie Aguilar - Anak
Freddie Aguilar - Anak слова песни
Nang isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang Nanay at Tatay mo`y
`Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
Sa gabi napupuyat ang iyong Nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama`y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Nais mo`y maging malaya
`Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila`y sinuway mo
Hindi mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa`y para sa iyo
Pagka`t ang nais mo`y masunod ang layaw mo
`Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo`y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "Anak, ba`t ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata`y biglang lumuha
Ng `di mo napapansin
Nagsisisi at sa isip mo`y
Nalaman mong ika`y nagkamali
Nagsisisi at sa isip mo`y
Nalaman mong ika`y nagkamali